Yeng, ipinasilip ang ipinagagawang bahay sa bundok!

Proud na ibinahagi ni Yeng Constantino na pinapatayo na nila ng asawang si Yan Asuncion ang kanilang dream house.
Sa kanyang YouTube vlog, ipinasilip ng Pop Rock Royalty ang modern contemporary design ng bahay na kasalukuyang itinatayo sa isang cliffside, may multiple levels at tanaw ang kabundukan.
Sa main floor, may office si Yan na pwede ring guest room na may sariling banyo. May walk-in closet din na may sariling banyo. Nasa upper level naman ang master bedroom at bathroom nila na may light stone-textured accent wall at magandang mountain view.
May living room at kitchen din na tanaw ang bundok, may stone walls, industrial elements at coffered ceiling. Dahil malaki ang pamilya, naglagay rin si Yeng ng karaoke room na pwede ring gawing guest room.
Sa lower level, may hangout area at outdoor gym na napapalibutan ng garden.“I am super duper grateful sa inyong lahat for your support. Lahat po ng ito... ay dahil po sa suporta na ibinigay ninyo sa amin,” banggit niya sa dulo ng vlog.
Kasalukuyang isa si Yeng sa tatlong mentors ng The Voice Kids PH.
Nadine at Richard, ikinasal ulit!
Muling nagpalitan ng wedding vows ang mag-asawang Nadine Samonte at Richard Chua sa isang intimate ceremony sa Tagaytay nitong Miyerkules, Oct. 28, bilang pagdiriwang ng kanilang ika-13th wedding anniversary.
Unang ikinasal ang mag-asawa noong October 2013 sa isang pribadong seremonya sa farm ng ina ni Chua na si Isabel Rivas sa Iba, Zambales.
Kasama nila sa espesyal na araw ang tatlo nilang anak na sina Heather, 10; Titus, 7; at Harmony, 4, pati na ang malalapit na pamilya at kaibigan.
Kabilang sa mga dumalo sila Rivas, pinsan ni Chua na si Marco Gumabao, at ilang kilalang personalidad tulad nina Lorna Tolentino, Cory Quirino, Yasmien Kurdi, Joko Diaz, basketball player Rico Maierhofer at asawa nitong si Jeck, Yassi Pressman at fiancé nitong si Luigi Villafuerte, pati na rin sina Miguel Villafuerte at asawa nitong si Rachel Peters, dating Miss Universe Philippines.
Jay-Z, bibida sa Super Bowl
Magpe-perform si Jay-Z sa Apple Music Super Bowl LXI Halftime Show.
Gaganapin ang laro sa Feb. 14, 2027 sa SoFi Stadium sa Inglewood, California. Kinumpirma ng NFL at Apple Music ang balita sa X at YouTube sa pamamagitan ng black-and-white video ni JAY-Z na nakaupo sa stadium kasama ang ilang kambing at may mensaheng “GOAT’s out of the bag.”
Sabi ni NFL commissioner Roger Goodell, hiniling niya noon sa Roc Nation na balang araw ay umakyat mismo si Jay-Z sa entablado kapag handa na ito.
Ang asawa ni Jay-Z na si Beyoncé ang nag-headline naman sa halftime show noong 2013.
- Latest





















