Titser sa public school timbog sa P.5 milyong shabu

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 45-anyos na guro sa isang pampublikong eskuwelahan matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Compostela, Davao de Oro, ayon sa ulat kahapon.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office XI, kinilala ang nasakoteng suspect sa alyas na “Jeston”, guro ng hindi tinukoy na paaralan. Nakumpiska sa kanya ang 73 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000 at mga drug paraphernalia.
Bago ang operasyon, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon hinggil sa talamak na pagtutulak ng droga ng suspect kaya’t agad na isinailalim sa surveillance ng mga mga awtoridad.
Nang makumpirma ang ilegal na aktibid ng guro ay agad na ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto rito nitong nakalipas na linggo.
Ang tiwaling guro ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest


















