^

Metro

Grupo ng mga hog raiser nag-rally sa DA vs imported na baboy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Grupo ng mga hog raiser nag-rally sa DA vs imported na baboy
Nagsagawa ng kilos-protesta ang daan-daang backyard hog raisers sa pangunguna ni Pork Producers Fe­deration of the Philippines, Inc. (ProPork) Chairman at AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones sa harap ng Department of Agriculture sa Quezon City nitong Biyernes, upang igiit sa pamahalaan ang pagbibigay-prayoridad sa lokal na industriya ng baboy at pagtataas ng taripa sa inaangkat na karneng baboy.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 1,500 na miyembro ng mga hog raiser sa bansa ang nagsagawa ng kilos-protesta upang igiit ang agarang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang lokal na industriya ng pagbababoy sa harap ng Department of Agriculture (DA) Central Office sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga.

Isinabay nila ang kilos-protesta sa ikalawang araw ng tatlong-araw na “Pig Holiday” mula Oktubre 22 hanggang 24, kung saan boluntar­yong itinigil ng mga kalahok na hog raiser ang pagbebenta ng baboy sa merkado. I-e-extend ang grupo ang Pig Holiday hanggang bukas, Linggo.

Sa press conference, sinabi ni AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, chairman ng Pork Producers Fede­ration of the Philippines, umaabot na umano sa P350 milyon kada araw ang kanilang pagkalugi. Ayon sa mga hog raiser, bumagsak sa P130 hanggang P140 kada kilo ang farmgate price ng baboy sa ilang lugar, samantalang nasa P180 hanggang P190 kada kilo ang tinatayang production cost. Kabilang umano sa mga dahilan ang mataas na volume ng imported pork na umano’y nagdulot ng oversupply at nagpababa sa presyo ng lokal na baboy. Kaya ang panawagan nila ay ang agarang pagbabalik ng taripa sa imported pork sa 30% para sa in-quota shipments at 40% para sa out-quota imports. Hiniling din nila ang pansamantalang paghinto ng pag-isyu ng import clearances, higpitan ang inspeksyon sa imported meat at paigtingin ang kampanya laban sa agricultural smuggling, misdeclaration at undervaluation. Sa kasalukuyan, nasa 15% ang tariff rate para sa in-quota pork imports at 25% para sa out-quota imports.

AGRICULTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with