^

Police Metro

Higit 72K pulis magbabantay sa araw ng Undas

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Higit 72K pulis magbabantay sa araw ng Undas
Civilian volunteers inspect lighted candles over the graves of fallen soldiers at the heroes' cemetery in Manila.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Aabot sa 72,500 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa paggunita ng Undas 2026.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., itatalaga ang mga pulis sa 5,311 sementeryo, at columba­rium, gayundin sa mga terminal ng sasakyan, pangunahing lansangan, lugar ng pagsamba at pasyalan.

Nagtalaga rin ang PNP ng 4,980 himpilan ng tulong-pulis sa mga sementeryo upang agad na matulungan ang mga bisita at biyahero.

Makikipagtulungan sa operasyon ang 16,892 tauhan mula sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Kawanihan ng Pamatay-Sunog at Tanod Baybayin ng Pilipinas, kasama ang 51,467 katuwang mula sa mga pamayanan.

Aabot sa humigit-kumulang 141,000 ang kabuuang bilang ng mga tauhang tutulong sa pagpapanatili ng seguridad.

Ayon kay Nartatez, layunin ng pagpapakalat ng mga tauhan na matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at mga tao, gayundin ang agarang pagtugon sa mga emergency at iba pang insidente.

Pinayuhan ng PNP ang publiko na sumunod sa mga patakaran sa mga sementeryo, iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay at tiyaking ligtas ang kanilang mga tahanan bago bumiyahe.

Hinimok din ang mga motorista na suriin ang kondisyon ng kanilang sasakyan at iwasang magmaneho kapag pagod o nakainom ng alak.

Hiniling ni Nartatez ang pakikipagtulungan ng publiko upang matiyak ang mapayapang paggunita sa Undas.

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with