^

PM Sports

Heat debut ni Giannis diniskaril ni Edwards

Pang-masa

MIAMI — Kumonekta si Anthony Edwards ng siyam na three-pointers at tumapos na may 45 points, habang umiskor si LaMelo Ball ng 21 markers sa kanyang Minnesota debut para sa 131-106 pagpapalamig ng Timberwolves sa Heat.

Diniskaril din ng Minnesota ang debut ni Giannis Antetokounmpo para sa Miami.

Napabilang si Edwards kina legends Wilt Chamberlain at Michael Jordan bilang mga players na kumamada ng higit sa 40 points sa multiple openers.

Ginawa ito ni Chamberlain noong 1959 hanggang 1962, habang dinuplika ito ni Jordan noong 1986, 1989 at 1995.

Nagdagdag si Jaden McDaniels ng 17 points para sa Timberwolves at may 16 at 12 markers sina Ayo Dosunmu at Jonathan Kuminga, ayon sa pagkakasunod.

Bumira si Anteto­kounmpo ng 35 points sa kanyang unang laro para sa Heat na nakahugot kay Bam Adebayo ng 15 markers.

Sa iba pang laro, pina­luhod ng Los Angeles La­kers ang Golden State Warriors, 127-105; pinasabog ng Houston Rockets ang Dallas Mavericks, 128-110; wagi ang Washington Wizards sa Milwaukee Bucks, 128-116; panalo ang Atlanta Hawks sa Orlando Magic, 132-125; dinaig ng Toronto Raptors ang Chicago Bulls, 135-92; at pinadapa ng Indiana Pacers ang New Orleans Pelicans, 123-120.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with