^

PM Sports

Gammad, Buensalida nagtulong sa panalo ng Letran

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinakas ng Letran ang mahirap na panalo matapos nilang sibatin ang Jose Rizal University, 70-66, kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil Centre sa San Juan.

Kinapitan ng Knights ang matikas na laro nina Chad Gammad at Aaron Buensalida sa dikdikang labanan para ilista ang 5-3 karta at hawakan ang tuktok ng Group B ng team standings.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game si Buensalida sa nirehistrong walong puntos, apat na rebounds at dalawang assists para sa Intramuros-based squad na pinalasap sa Heavy Bombers ang ika-2 talo sa walong salang.

“Sa’min naman, ‘di namin ginawang reason ‘yong wala si Jonathan (Manalili), nagstep-up ‘yong mga kasama namin, lahat, kahit ‘yong [mga] nasa bench,” sabi ni Buensalida, “‘Yong key point dito aside sa offense namin ay ‘yong defense namin. ‘Yon ‘yong pinakabunga ng game na ‘to para manalo.”

Si Gammad naman ang namuno sa opensa para sa Letran matapos irehistro ang 21 puntos, apat na boards at tatlong assists kasama ang apat na treys.

Bumakas naman para sa Knights si Denzil Sison-Walker ng 11 markers.

Sa unang laro, nagtala ng malaking upset win ang Emilio Aguinaldo College matapos nilang pasukuin ang College of Saint Benilde, 86-78.

Tumikada si Joseph Nunag ng team best 17 points, limang rebounds at tatlong steals upang tulungan ang Generals na kalsuhan ang two-game skid at ilista ang 3-5 karta para upuan ang No. 4 spot sa Group B ng team standing.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with