MILF hiniling aregluhin giyera ng 2 grupo
COTABATO CITY, Philippines — Nanawagan ang mga kinauukulan nitong Huwebes sa dalawang factions ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na resolbahin ang kanilang away na muling sumiklab nitong madaling araw ng Miyerkules kung saan isang bata na naipit sa labanan ang namatay sa mga tama ng bala at nagsanhi ng pagkasugat ng isa pa.
Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na dapat ay umaksyon na agad ang liderato ng MILF sa away ng dalawang grupo nito na nagsanhi na sa pag-evacuate ng 329 mga apektadong mga residente na naipit sa kanilang panibagong engkuwentro sa bayan ng Shariff Aguak.
Sa report, isang inosenteng 11-anyos na anak ng isang magsasaka ang tinamaan ng bala at nasawi at pagkasugat ng isang 23-anyos na lalaki na wala ring kinalaman sa sigalot ng dalawang MILF factions.
Kaya hiniling na umaksyon ang MILF sa sigalot ng dalawang grupo na nakaapekto sa mga walang kinalamang mga residente ng Shariff Aguak.
- Latest




















