Pump attendant, todas sa tandem na nagpa-gas
MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 26-anyos na pump attendant nang malapitang barilin sa leeg ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na nagpakarga ng gasoline naganap nitong Huwebes sa Barangay San Miguel, Liloy, Zamboanga del Norte.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Eugenio Tubio alyas “Moymoy,” binata, residente ng Barangay Banigan, Liloy.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:45 ng tanghali nitong Setyembre 10 ay dumating ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo na may plakang J324SK at nagpagasolina sa biktima.
Habang kinakargahan ng biktima ang motorsiklo ng mga suspek ay nakita sa CCTV footage na tinakpan ng isa sa mga suspek ang plaka ng motorsiklo habang ang isa ay naghahanap ng pagkakataon.
Nang tumalikod si Tubio ay lumapit ang isa sa mga suspek at pinaputukan nang malapitan ang biktima sa leeg.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Fatima, Liloy.
Ang biktima ay dinala sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya matapos na matukoy ang plaka ng motorsiklo gayundin ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo krimen.
- Latest

















