^

Metro

Ilang LGU sa Luzon nagsuspinde ng klase

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ilang LGU sa Luzon nagsuspinde ng klase
Students wade through floodwaters along the corner of Taft Avenue and UN Avenue in Manila on July 22, 2025.
Edd Gumban/The Philippine STAR

Sa patuloy na hagupit ng Habagat

MANILA, Philippines — Bunsod ng patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, nagsuspinde kahapon ng klase ang ilang local government units sa Luzon.

Ang pagpapalabas ng suspensiyon ay katiyakang ligtas ang mga mag-aaral at guro. Nagpatupad ng kabuuang suspensyon ng klase habang ang iba naman ay nagkansela ng face-to-face classes.

Kabilang dito ang mga LGUs sa Metro Manila na kinabibilangan ng City of Manila, Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Mandaluyong, San Juan, Las Piñas, at Pasay na inilipat mula sa face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado) sa Alternative Delivery Mode (ADM).

Habang sinuspinde rin ang klase ng mga LGU sa Region 3 o Central Luzon na kinabibilangan ng Balanga City at Hermosa sa Bataan; Calumpit, Hagonoy sa Bulacan; Angeles City, Macabebe, Mexico, Masantol, San Simon, Sto. Domingo, Candaba, San Fernando sa Pampanga, at Botolan sa Zambales. Sinuspinde rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado) sa Mangaldan, Pangasinan na sakop ng Region 1 o Iloco Region.

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with