Perpetual ipaparada si Cruz sa NCAA Season 102

MANILA, Philippines — Apat na teams na naglaro sa semifinals ng Season 101 ang magbabakbakan sa opening day ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa Setyembre 13 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Maghaharap ang defending San Beda University at College of Saint Benilde sa alas-2 ng hapon sunod ang labanan sa pagitan ng last year’s runner-up Letran at Perpetual Help sa alas-4 ng hapon.
Ipaparada ng Altas si Mark Gojo Cruz kasama ang tatlong graduating standouts na sina co-team captains Shawn Orgo, Gelo Gelsano at JM Tulabot para bawian ang Knights na siyang tumalo sa kanila sa semis nakaraang taon.
Galing sa impresibong pre-season performance sa PinoyLiga Collegiate Cup ang Perpetual, kinalos nila ang Emilio Aguinaldo College upang sikwatin ang korona matapos ang manipis na 64-63 panalo.
Pangatlong sunod na ni head coach Olsen Racela sa pagtimon sa Perpetual, pakay nilang lampasan ang kanilang naabot sa Season 101 kung saan ay tumapos sila ng 9-4 win loss card.
“First, we need to replace the roles of Patrick Sleat, John Abis, Jericho Nun?ez and JP Boral, who played last year and have already finished their playing years. We need to replace them with players who are willing to step up. We have a lot of players who are willing to step up, but they lack experience,” sabi ni Racela.
Huhugot din ng puwersa si Racela kina sophomores Ray Allen Maglupay, LA Casinillo, JD Pagulayan, Jan Roluna, Jericho Cristino at 6-foot-7 center Aries Borja.
- Latest















