Ex-Cong. Barzaga sumuko sa ‘cyber libel’
CAVITE, Philippines — Muling sumuko sa pulisya dito sa lalawigan sa ikalawang pagkakataon si dating Congressman Francisco “Kiko” Barzaga matapos na magpalabas ng panibagong warrant of arrest ang korte laban sa kanya sa kasong cyberlibel, kahapon.
Base sa ulat ng pulisya, alas-3:45 ng hapon nang magtungo 27-anyos na dating kongresista, residente ng Don P. Campos Avenue, Barangay Zone 3, Dasmariñas City, Cavite, sa Dasmariñas Police Station at kusang loob na sumuko hinggil sa kasong cyber libel na inisyu ni Presiding Judge Suelynn T Lowir- Jolingan, ng Regional Trial Court, Bacolod City, Negros Occidental na may petsang Setyembre 4,2026.
Agad rin umanong nagpiyansa si Barzaga na tinaguriang “Congmeow” sa pamamagitan ng kanyang legal counsel sa halagang P48,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matatandaan na una nang nakulong at sumuko ang dating kongresista dahil sa kaparehong kaso.
- Latest















