^

Metro

‘Walang ebidensya, walang kaso’ vs Roumaldez - dating law dean

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi dapat magsampa ng kaso ang Office of the Ombudsman laban kay dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kung walang sapat na ebidensya laban sa kanya, ayon kay Judd Roy, dating pangulo at dean ng law school ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Sa panayam sa dzMM nitong Miyerkules, sinabi ni Roy na dapat isaalang-alang ng Ombudsman ang mga affidavit ng mga saksi, kabilang si Orly Guteza, na binawi na ang kanyang mga naunang paratang laban kay Romualdez. Si Guteza, dating Philippine Marine at sinasabing na­ging bagman ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ay binawi ang pahayag na naghatid siya umano ng kickback mula sa mga flood control project kay Romualdez.

Ayon kay Guteza, pinilit siya nina Sen. Rodante Marcoleta at dating ­Quezon City congressman Mike Defensor na gumawa ng mga paratang laban sa dating Speaker. Dahil dito, sinabi ni Roy na magiging mahirap para sa Ombudsman na gawing pangunahing batayan ang orihinal na mga pahayag ni Guteza at ng tinatawag na “Maleta Boys,” mga dating aide ni Co.

Binigyang-diin ni Roy na dapat tiyakin ng Ombudsman na sapat at matibay ang ebidensya bago magsampa ng kaso. Aniya, tungkulin ng tanggapan na ipatupad ang batas at pa­ngalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan, anuman ang kanilang ka­tayuan o pagkakaugnay sa anumang kampo.

R FERDINAND MARTIN G. ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with