^

Pang Movies

Male starlet, buhay-milyonaryo sa mayamang jokla

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nakapagtataka kung bakit rich ang lifestyle ng male starlet na ito kahit hindi pa ganoon kasikat.

Ayon sa aming source, may relasyon daw ito sa isang mayamang beki na kilala sa pagtulong sa mga struggling male starlet na tulad niya.

May mga trabaho naman daw siya, pero hindi pa rin siya tumatak sa publiko. Aktibo siya sa social media, pero parang kulang pa rin sa mass appeal.

Kaya raw alam ng mga malalapit sa kanya kung saan nanggagaling ang mga ini-enjoy niyang luho ngayon.

“Sinusubukan niyang sumikat—he is really trying, pero hindi pa dumarating ‘yung break. May potential pero hindi pa standout. Walang x-factor. Ang advantage niya, may itsura at alaga ang katawan,” sabi ng source.

Nitong mga nakaraang buwan, puro travel photos na ang ibinabahagi niya. Ilang beses daw siyang nagbakasyon nung summer sa kunsaan-saang bansa. “Wala pang malaking project, pero naka-business class at naka-stay sa magagandang hotel. Sino ba namang hindi mag-e-enjoy sa libre at endless ATM ni beki lover?” dagdag pa ni source.

Vince, sumabak sa YouTube

Nasa kanyang YouTube era na si Vince Maristela.

Ni-launch niya kamakailan ang kanyang YouTube channel bilang paraan upang mas mapalapit sa kanyang mga tagahanga.

Sa rami ng endorsements ni Vince na bagay sa athletic lifestyle niya, marami siyang maaakit agad na subscribers na tulad niya ay physically active.

Ayon sa kanyang Instagram post, ibabahagi niya ang kanyang mga karanasan sa fitness — mula sa mga naabot na tagumpay at kinaharap na hamon, hanggang sa mahahalagang aral na kanyang natutunan.

“Just like my idols inspired me growing up, gusto ko rin maging inspirasyon at maging patunay na lahat ng magagandang bagay na dumara­ting sa buhay natin ay bunga ng sipag, tiyaga at nilaga. Welcome to the journey mga boss,” caption pa ni Vince na mapapanood sa upcoming GMA teleserye na Delivery Boi.

Kasalang Spider-Man, may resibo na

Matagal nang pinag-uusapan ang balita tungkol sa kasal nina Zendaya at Tom Holland, at kamakailan ay nagdaos na sila ng isang wedding celebration sa Beaverbrook Hotel malapit sa Kingston, England na hometown ni Tom.

Ayon sa report ng Extra: “There was very natural theme to the wedding. Tom’s three brothers — Sam, Harry and Paddy — were present and staying at the cottages around the 370-acre estate.”

Ginanap ang wedding party nina Zendaya at Tom kasabay ng pag-celebrate nila sa box-office success ng pelikula nilang Spider-Man: Brand New Day na kumita na ng $1.155 billion sa buong mundo.

Matapos kumalat ang balita, nakita si Tom na suot ang wedding ring habang lumalabas kasama si Zendaya sa London.

Last July, kinumpirma na rin ni Tom ang kasal nila ni Zendaya.

SPIDERMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with