^

Bansa

51 percent Pinoy gustong personal na tumestigo si VP Sara sa impeachment

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
51 percent Pinoy gustong personal na tumestigo si VP Sara sa impeachment
Philippine Vice President Sara Duterte gestures as she leaves the Hall of Justice in Quezon City, Metro Manila on September 11, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Naniniwala ang nakararaming Pinoy na dapat personal na tumestigo si Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court upang harapin ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kanya.

Sa Pulse Asia survey na isinagawa mula Set­yembre 17-24, nabatid na 51% ng respondents ang nagnanais na umupo si VP Sara sa witness stand habang 34% ang nagsabing hindi na siya dapat pang tumestigo, 14% undecided, at 1% ang tumang­ging sumagot.

Pinakamataas ang suporta sa personal na pagtestigo ni VP Sara mula sa Metro Manila na nasa 66%. Sinundan ito ng natitira pang bahagi ng Luzon na nasa 61%.

Samantala, 61% ng respondents sa Min­danao at 43% mula sa Visayas, ang nagsabing hindi na dapat tumestigo si VP Sara Duterte.

Sa socioeconomic classes, 56% ng res­pondents sa Class ABC at 53% sa Class D ang nagsabi na dapat siyang tumestigo. Lumitaw rin sa survey na 71% ang nagsabing alam nila ang alegas­yon na may hindi maipaliwanag na yaman ang bise presidente.

Sa mga nakakabatid sa alegasyon, 39% ang hindi makapagsabi kung totoo o hindi ang alegasyon habang 30% ang nagsabi na hindi ito totoo.

Nasa 29% ang naniniwala na totoong may ill-gotten wealth ang Bise Presidente. 

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 adults na edad ng 18-taong gulang pataas. 

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with