P200 million ransom sa Que kidnap-slay, bawiin!

MANILA, Philippines — Nanawagan si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng makakaya para matukoy at marekober ng buo ang P200 milyon na ibinayad ng pamilya ng bilyonaryong si Anson Que.
“We urge the PNP to deploy every available resource and investigative tool to follow the money trail, hold all perpetrators accountable, and recover the funds illicitly obtained,” pahayag ni Pimentel.
Sinabi ni Pimentel na ang kabiguang malaman kung nasaan at mabawi ang ransom ay magpapalakas lamang sa mga sindikatong kriminal na ipagpatuloy ang mapanganib na siglo ng karahasan.
Ang pondo ay dapat rin aniyang ibalik sa naulilang pamilya ni Que.
Una rito, sinabi ng PNP na hihilingin nila ang tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pang ahensiya para matunton ang cryptocurrency payments na nagkakahalaga ng ?200 milyon sa magkakahiwalay na tranches sa mga kidnapper ni Que.
Inihayag din ni PNP Spokesperson P/Brig Gen. Jean Fajardo na ang tracking ng digital money trail ni Que ay magtuturo sa PNP sa dalawa pang Chinese nationals na hinihinalang may kinalaman sa kidnap-slay ni Que at ng driver nitong si Armanie Pabillo.
- Latest





















