^

Bansa

Taal volcano nagbuga ng record-high volcanic gas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Taal volcano nagbuga ng record-high volcanic gas
Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa 18,638 metric tons kada araw ang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas emission mula sa main crater o bunganga ng bulkan ang ibinuga o inilabas noong Huwebes Santo na kanilang namonitor.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nagbuga ng sulfur dioxide ang Taal volcano sa lalawigan ng Batangas na pinakamataas sa taong 2024, ayon sa state volca­nologists experts.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa 18,638 metric tons kada araw ang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas emission mula sa main crater o bunganga ng bulkan ang ibinuga o inilabas noong Huwebes Santo na kanilang namonitor.

Sinabi ng Phivolcs na mas mataas ito kumpara sa average na 10,331 metriko tonelada kada araw na naibuga na ng nasabing bulkan sa taong kasalukuyan.

Sa kabila nito, wala namang volcanic smog ang naiulat sa aktibidades ng nasabing bulkan.

“Moderate winds have prevented the accumulation of SO2, and no volcanic smog or vog over Taal Caldera could be observed by visual monitors throughout the day,” saad pa ng Philvolcs.

Ang Taal volcano ay isang malaking kaldera sa Taal Lake sa lalawigan ng Batangas na nasa 50 kilometro ang layo sa katimugan ng Metro Manila at ikalawang pinakaaktibong bulkan sa bansa. Huli itong namonitor na pumutok noong Marso 26, 2022.

Patuloy naman ang pagmomonitor ng PhiVolcs sa mga kaganapan sa aktibidades ng Taal.

vuukle comment

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with