^

Bansa

Davao City fire victims tinulungan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy si Senador Christopher “Bong” Go sa kanyang pangako na tutulungan ang mga Pilipino sa oras ng pangangailangan matapos personal na bisitahin at ayudahan ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Kapitan Tomas Monteverde, Agdao, Davao City.

Sa relief effort sa mga apektadong pamilya na nasa barangay gymnasium, nagpahayag ng pakikiramay si Go sa mga naapektuhan ng sunog.

“Alam kong mahirap ang masunugan. Parang back to zero talaga. Pero tandaan natin magsumikap lang tayo. Ang pera kikitain natin, ang damit malalabhan at mabibili natin ‘yan. Pero ang perang kikitain hindi mabibili ang buhay. Ang nawalang buhay ay isang nawawalang buhay magpakailanman. Ang importante buhay tayo. Magtulungan lang tayong lahat. Nandito kami at ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno,” idiniin ni Go.

Kasama sina Konsehal Richlyn “Che-Che” Justol-Baguilod at Al Ryan Alejandre, at Kapitan Tomas Monteverde Barangay Captain Robert Diaz, bukod sa iba pa, nagbigay si Go ng mga grocery packs, lalagyan ng tubig, masks, bitamina, kamiseta, at meryenda sa 318 apektadong pamilya.

Namigay rin siya ng mga bisikleta, mobile phone, sapatos, relo, at bola para sa basketball at volleyball.

Nagbigay naman ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH) ng hygiene kits, karagdagang masks, at bitamina.

Samantala, tinaas naman ng mga kinatawan mula sa National Hou­sing Authority (NHA), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Trade and Industry (DTI) ang mga benepisyaryo na kuwalipikado sa kani-kanilang tulong sa pabahay at kabuhayan upang lubos silang makabangon.

vuukle comment

FIRE

VICTIMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with