^

Bansa

Paggamit ng AI sa kampanya, pandaraya?

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paggamit ng AI sa kampanya, pandaraya?
Senator Francis Tolentino on August 24, 2023.
STAR / Mong Pintolo

Tolentino hiniling sa Comelec na pag-aralan

MANILA, Philippines — Hiniling ni Sen. Francis “Tol” Tolentino sa Commission on Elections (Comelec) na masusing pag-aralan kung dapat payagan ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa campaign materials at propaganda para sa halalan.

Ayon kay Sen. Tol, kailangang gumawa ang Comelec ng karagdagang pag-aaral sa pagbuo ng patakaran sa hinaharap kaugnay ng paggamit ng app na nagbabago sa impresyon ng mukha ng indibidwal o kandidato dahil maaari itong lumabag sa “principle of truthfulness.”

Sinabi ni Tolentino na ang halalan ay dapat na nakabatay sa katotohanan at sa paggamit ng AI, maaa­ring baguhin ng isang tao ang kanyang hitsura. Ito ang nag-udyok sa Department of National Defense na ipagbawal ang paggamit nito.

Inaasahan ng mambabatas ang pagbalangkas ng Comelec ng polisiya hinggil sa paggamit ng AI sa paggawa ng campaign at software materials para sa halalan, lalo na sa tanong kung anong larawan ang dapat payagan: ang hitsura ng kandidato sa kasalukuyan o ang hitsura na gustong makita ng mga botante.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Rey Bulay na ang mungkahi ng senador na pagbabalangkas ng mga patakaran, gamit ang AI sa paggawa ng mga mater­yales sa halalan, naka-print man o sa anyong digital, ay posibleng himayin ng Comelec bago ang 2025 midterm elections.

Sinabi ng komisyoner na ang posibilidad ng paggamit ng “misrepresentation” upang masakop ang personalidad ng kandidato ay maaaring maging criminal misrepresentation kapag nilabag at maging batayan sa pagkansela ng Certificate of Candidacy (COC).

vuukle comment

AI

BSKE 2023

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with