^

Bansa

2 bagong milyunaryo: Grand Lotto 6/55, Megalotto 6/45 jackpot sabay tinamaan

Philstar.com
2 bagong milyunaryo: Grand Lotto 6/55, Megalotto 6/45 jackpot sabay tinamaan
Stock photo of a lotto outlet.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Solong napalunan ng isang taga-Quezon City ang P8.91 milyong jackpot prize ng Megalotto 6/45 habang isang taga-Taguig naman ang nakakuha ng P29.7 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 — ang lahat ng ito sa iisang araw lang.

Lunes lang nang ibola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga numerong 22-08-20-02-01-45 para sa Megalotto 6/45 draw.

Nabunot naman ang winning combination na 11-17-28-06-09-01 para sa Grand Lotto 6/55 sa parehong araw.

"One (1) winning ticket was bought in Novaliches, Quezon City," wika ng PCSO sa isang pahayag, Martes.

"One (1) winning ticket was bought in Central Signal, Taguig City."

Lahat ng mga napalanunang ito ay dapat makubra ng mga may ari ng ticket isang taon matapos ang petsa ng pagbunot ng mga numero.

Kung sakaling bigong ma-claim ang premyo sa naturang time period, isusuko ang nasabing pera para maging bahagi ng Charity Fund ng PCSO.

"Prizes above Php10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN Law," dagdag pa ng ahensya.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang tamaan ng isang taga-Bacoor, Cavite ang Superlotto 6/49 draw nitong ika-1 ng Hunyo, dahilan para mapalanunan niya ang nasa P58,995,238.20 jackpot prize. — James Relativo

vuukle comment

LOTTERY

NOVALICHES

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

QUEZON CITY

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with