^

Bansa

Bong Go: MSMEs ­tulungang lumago

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labis na ikinalugod ni Senator Christopher “Bong” Go ang pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa inihain niyang Senate Bill No. 1594 na magtatag sa One Town, One Product (OTOP) Philippines Program na layong tulungan ang mga lokal na komunidad na makabangon sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Ang (OTOP) Philippines Program ay magsisilbing stimulus program ng gobyerno upang tulungan ang paglago ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng paggamit sa indigenous raw materials, local traditions, at cultures sa buong bansa.

“Supporting small businesses plays a crucial role for the country. MSMEs are often the drivers of innovation and entrepreneurship. They can quickly respond to changing market demands and develop new products or services that meet the needs of their customers,” idiniin ni Go.

“Backbone ng ating ekonomiya ay ang MSMEs. Ito po ‘yung mga dapat nating bigyan ng importansya, pagtuunan natin (ng pansin), tulungan natin na lumago. Bigyan natin sila ng bagong pag-asa. Palakasin (natin) ang kanilang kabuhayan para makaahon po tayo sa krisis dulot ng COVID-19,” dagdag ng senador.

Ani Go, malaki ang kontribusyon ng MSMEs sa paglikha ng trabaho at makatutulong ito na mabawasan ang unemployment.

Nauna nang iniulat ng Department of Trade and Industry na noong 2020, ang mga MSME ang major employers o nasa 99.5% ng kabuuang negosyo at higit sa 62% ng kabuuang trabaho sa bansa.

Ayon sa senador, hindi lamang ito makaaambag sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya kundi malaking tulong din sa mga nawalan ng trabaho.

vuukle comment

COVID

OTOP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with