^

Bansa

233 kaso ng rabies, lahat nasawi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) ang 233 kaso ng rabies hanggang Agosto 20 ngayong taon na pawang nagresulta sa pagkamatay ng mga pasyente o 100% fatality rate.

Ito ay makaraang madagdagan ng tatlo pang pasyenteng nasawi dahil sa rabies mula Agosto 14-20. Nagmula ang mga bagong kaso sa Calabarzon, Mimaropa, at Metro Manila.

Mas mataas ng 19% ang 233 kaso kumpara sa naita­lang 195 rabies cases sa parehong period noong 2021.

Sa datos pa ng DOH, ang mga tinamaan ng rabies ay mula edad tatlong taon hanggang 87 taong gulang. Ngunit karamihan sa mga pasyente ay mga senior citizen.

Ang rabies ay isang ‘viral disease’ na naihahawa sa tao mula sa kagat ng hayop, karaniwan ay mga aso at pusa.

Itinuturing ng DOH na ‘fatal’ o labis na nakamamatay ang rabies ngunit maaari namang maiwasan ito kung maaagapan.

Pinaalalahanan ng ahensya ang mga ‘pet owners’ na maging responsable at paturukan ng ‘anti-rabies vaccine’ ang kanilang mga alaga tuwing tatlong taon.

Tinataya na umaabot sa 200 hanggang 300 Pinoy ang namamatay dahil sa rabies kada taon.

DOH

RABBIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with