^

Bansa

Centaurus Omicron subvariant, nakapasok na sa Pinas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Centaurus Omicron subvariant, nakapasok na sa Pinas
People crowd a street filled with stores as they shop in Manila on February 4, 2022, after authorities issued relaxation of COVID-19 rules.
AFP / Ted Aljibe

Paniwala ng health experts

MANILA, Philippines — Naniniwala ang mga eksperto na maaring nakapasok na sa bansa ang bagong BA.2.75 o Centaurus Omicron subvariant.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, ang inaasahan nilang posibleng peak o pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay hindi pa nangyayari at patuloy pa sa pagtaas ang mga kaso.

“Hindi naman typical pattern iyan eh. Usually, ‘pag pababa na siya, tuluy-tuloy na pababa eh. So, bakit siya tumaas ulit? May possibility na baka may ibang subvariant na umiikot,” ani David.

Simula noong Pebrero 12, nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang bansa ng 3,389 kung saan 1,169 ang mula sa Metro Manila.

Nakikita rin ng ABS-CBN Data Analytics Team ang pagtaas ng mga kaso mula sa Calabarzon at Central Luzon.

Samantala, naniniwala rin si David na maaring tumaas ang mga kaso hanggang Agosto, kasabay ng pagsisimula ng school year, iba ito sa nakaraang projection na maaaring tumaas ang mga kaso sa Hulyo at bumaba sa Agosto.

Bagama’t hindi kinumpirma ng mga awtoridad ang presensya ng subvariant sa kanilang pinakahuling ulat ng genome sequencing, sinabi ni DOH-Technical Advisory Group Dr. Rontgene Solante na hindi niya binabalewala ang ideya na maaaring narito na sa bansa ang Centaurus.

Sa mga paunang ebidensya, ang Centaurus ay nagpakita ng mas nakakahawa kumpara sa ibang mga subvariant. Gayunpaman, sinabi ng DOH na masyadong maaga para sabihin kung ito ay mas delikado, lalo na’t hindi pa ganap na inookupahan ang mga ospital.

vuukle comment

COVID-19

OCTA

OMICRON SUBVARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with