^

Bansa

‘Di namin babaguhin ang kasaysayan – Imee

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umano babaguhin ng pamilya Marcos ang kasaysayan matapos ang pagkapanalo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngunit ibabahagi nila ang kanilang panig sa kasaysayan.

Inihayag ito ng kapacid ni Marcos Jr. na si Sen. Imee Marcos kasabay ng pagpapasalamat na nabigyan ang kanilang pamilya ng ‘second chance’.

“I don’t think that’s our effort [revising history] at all. We will not revise anything. All we we will do is to also make known, make public, what we know our side of the story which we have perhaps been remiss in not telling, simply because we were scared of the traditional media, of all the abuse, diatribe, the insult,” ayon sa senadora sa panayam ng ANC noong Miyerkules. “So, naging tameme na. We’ll just tell our side of the story the best we can.”

Sinabi pa ni Marcos na ipagpapatuloy niya ang pakikipagtulungan sa bagong administrasyon para masiguro na ang mga pinaka mahihirap na Filipino ay makakuha ng pantay na bahagi.

Committed umano ang senadora na tapusin ang kahirapan bagama’t ngayon ay tila isa lamang itong ambisyon subalit isa siya mga taong naniniwala na dapat tuldukan ang kahirapan.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with