^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas lagpas 435,000 na; patay umakyat sa 8,446

Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas lagpas 435,000 na; patay umakyat sa 8,446
Makikitang pumipila ang mga commuter na ito sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-1 ng Oktubre, 2020
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Wala pa ring humpay ang pagdami ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas sa pagpapatuloy ng ika-38 linggong community quarantine laban sa pandemya, bagay na kinukumpirma ng mga panibagong datos ng Department of Health (DOH), Huwebes.

Nakapagtala pa kasi ng karagdagang 1,061 kaso ang kagawaran, dahilan para sumampa na ito sa 435,413 ngayong Huwebes.

Sa kabila ng maliit-liit na bilang ng bagong kaso, 13 na laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kanilang mga datos noong ika-2 ng Disyembre.

Kaugnay niyan, natagpuan naman ang sariwang pinakamaraming COVID-19 cases sa mga sumusunod na lugar:

  • Davao City (92)
  • Quezon City (92)
  • Rizal (50)
  • Pampanga (44)
  • Quezon (43)

Nasa 27,642 naman sa ngayon ang mga nananatiling aktibong kaso, bagay na kumakatawan sa mga COVID-19 patients na hindi pa gumagaling o namamatay sa kasalukuyan.

Sa ngayon, patay na mula sa nasabing pathogen ang 8,446 katao. Mas marami ito ng 10 kumpara sa mga bilang na inilabas ng DOH kahapon.

Gayunpaman, 328 naman ang sinasabing new recoveries kaugnay ng karamdaman. Sumatutal, umabot na sa 399,325 ang gumagaling sa COVID-19 sa bansa.

Tinanggal naman na mula sa total case count ang limang duplicates sa ngayon, matapos mapag-alamang gumaling pala sila lahat.

Kaugnay niyan, ni-reclassify naman bilang deaths ang mga naunang naibalitang paggaling ng tatlo katao mula sa COVID-19.

Ipinagtanggol naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang desisyon ng Metro Manila mayors na patuloy pagbawalan ang mga bata sa matataong lugar gaya ng shopping malls, lalo na't may prerogative daw silang gawin ito sa gitna ng COVID-19 threat.

Ilang araw pa lang kasi ang nakalipas nang unang sabihin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibilidad ng pagluluwag ng quarantine restrictions sa mga shopping malls, bagay na binawi rin Secretary Eduardo Año kalaunan.

"Sorry po, but it is within the powers of mayors to do this," wika ni Roque sa isang press briefing kanina.

May kinalaman: Mayors rule to keep ban on minors in Metro Manila malls

Kasalukuyang mga taong edad 15-anyos pataas lang ang pinapayagan ngayon ng gobyerno na lumabas-labas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

Umabot na sa halos 63.4 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayon sa mundo, ayon sa pinakabagong tala ng World Health Organization (WHO). Mahigit-kumulang 1.5 milyon naman sa kanila ang minalas na nasawi habang nakikipagbuno sa virus. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with