^

Bansa

Bong Go, binuksan 165th Malasakit Center sa Rosales, Pangasinan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasama ang lokal na pamahalaan ng Pangasinan at Department of Health, pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapasinaya ng 165th Malasakit Center sa Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center sa Rosales kahapon.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, si Go ang nagsulong na magkaroon ng mabilis na access ang mahihirap na Pilipino sa pangangalagang pangkalusugan at mga serbisyo sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng Malasakit Centers Law na pangunahin niyang iniakda at itinaguyod noong 2019.

“Ang bagong Malasakit Center dito sa Pangasinan ay simbolo ng ating walang tigil na pagli­lingkod at malasakit para sa bawat Pilipino. Layunin nating mas accessible ang serbisyong medikal para sa lahat, lalo na sa ating mga kababayang higit na nanga­ngailangan,” ani Go.

Ang Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, ay nag-institutionalize sa Malasakit Centers program. Pinagsama-sama sa Malasakit Centers ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nagsisilbing “one-stop shop”, tinutulungan nito ang mga mahihirap na pasyente na mabawasan ang mga gastos sa ospital sa pinakamaliit na posibleng halaga.

Iniulat ng DOH na ang programang Malasakit Centers ay nakatulong sa mahigit 10 milyong Pilipino.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with