^

Bansa

'SOGIE bill' suportado ni Duterte pero ekis sa same-sex marriage — Roque

Philstar.com
'SOGIE bill' suportado ni Duterte pero ekis sa same-sex marriage � Roque
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa kaugnay ng mga idinulot na pinsala ng Super Typhoon Rolly sa bansa, ika-2 ng Nobyembre, 2020
Presidential Photos/Simeon Celi

MANILA, Philippines — Makaaasa ng suporta ang mga bakla, lesbyana, bisexual, transgender at queers kay Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa kagustuhan nilang maging batas ang sex, sexual orientation, gender identity and expression (SOGIE) equality bill, pagtitiyak ng Malacañang, Huwebes.

Ito ang tiniyak ni presidential spokesperson Harry Roque eksakto dalawang linggo matapos kumpirmahing aprub kay Digong ang "civil union" ng LGBTQ couples.

May kinalaman: Duterte 'agree' kay Pope Francis, same-sex civil union suportado

Bashain: 'SOGIE' ipinaliwanag

"Malinaw na malinaw ang paninidigan ng ating presidente. Naniniwala siya na lahat ng Pilipino ay pantay-pantay, anuman ang kanilang kasarian," ani Roque.

Sa ilalim ng panukalang SOGIE bill, pagbabawalan na ang diskriminasyon ng mga tao sa batayang sex, sexual orientation, gender identity at expression.

Matatandaang inapruhan ang SOGIE bill sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara noong 17th Congress ngunit hindi nakalusot sa Senado.

Kahapon lang nang aprubahan ng House committee on women and gender equality na i-adopt na lang ang aprubadong bersyon nito noong nakaraang Konggreso bilang "working draft."

Sa kabila ng pagsuporta ng presidente, sinabi naman ni Roque na nasa lehislatura na ang bola kung ano ang kahihinatnan nito.

"[H]inahayaan na natin sa Kongreso kung anong magiging final na version ng SOGIE bill," dagdag niya.

Pinapalagan ito ngayon ng ilang sektor, gaya ng mga relihiyoso, sa dahilang "anti-family" raw ito, bagay na wala sa intensyon ng legislation.

Pangamba rin nina Lyndon  Caña ng Coalition of Concerned Families of the Philippines, tila gagawing "super special elite class" ang LGBTQ+ community kung maipapasa ito.

May kinalaman: No, the SOGIE bill won’t legalize necrophilia, pedophilia

Kilala ang ilang sarado Katoliko at fundamentalist Christians sa pagtutol sa mga relasyong namamagitan sa mga taong may magkaparehong kasarian sa dahilang "kasalanan" daw ito sa Panginoon.

Same-sex marriage, ibang usapan na

Samantala, sinabi naman ng Palasyo na hindi ibig sabihin nito na sinusuportahan ni Duterte ang kagustuhan ng LGBTQ+ community na sila'y maikasal sa alinsunod sa batas.

"Iba ito sa same-sex marriage. Hindi po sang-ayon ang presidente sa same-sex marriage," dagdag pa ni Roque.

"Whether it be in church or civil, hindi po siya sang-ayon. Pero sang-ayon po siya namagkaroon ng batas iiral doon sa relasyon ng magkapaerhong kasarian."

Ito ay kahit na gobyerno at hindi naman Simbahan ang magbibigay basbas sa isang same-sex wedding kung nagkataon, lalo na't hiwalay ang estado at religious establishment.

Sa kabila nito, wala namang problema ang ehekutibo kung maipapasa ang isang batas na magbibigay ng karapatan sa mga nasabing magkarelasyon sa isang civil union, bagay na magbibigay sa kanila ng ilang proteksyon sa batas.

Una nang sinabi ni Pope Francis, ang pinuno ng Simbahang Katolika, na suportado niya ang pagpapahintulot sa mga same-sex civil unions, kasama na ang karapatan ng LGBTQ+ na magkaroon ng sariling pamilya. — James Relativo at may mga ulatmula sa News5

vuukle comment

LGBT

RODRIGO DUTERTE

SAME-SEX MARRIAGE

SOGIE BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with