^

Bansa

Driver binaril nang nakabanggaan, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay matapos barilin nang nakabanggaang kapwa driver ang isang 46-anyos na mister na diumano’y unang nanutok at inagaw lamang ng suspek, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Calibuyo Tanza, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang napatay na biktima na si Joybert Garde, may asawa, driver at residente ng Sitio Matabok Brgy. Calibuyo Tanza.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspek kasama ang angkas nito na nakilalang sina Samuel Florencio Jr., 26, at Serio Enriquez, 47, kapwa  residente ng Brgy. Sahud Ulan, Tanza. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:00 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente, sakay ang biktima ng Rusi motorcycle at patungo ng A. Soriano Highway nang makasagian nito ang magka-angkas na suspek.

Ayon sa suspek, ang motor umano ng biktima ang nakasalpok sa kanila at habang nag-uusap ay nauwi umano sa mainitang pagtatalo hanggang sa mabaril ng suspek ang biktima.

Sa salaysay ng suspek sa pulisya, ang biktima umano ang unang bumunot ng baril at tinutukan sila kaya inagaw umano niya ito at binaril ang biktima.

Matapos ang insidente ay kusang loob na nagtungo sa pulisya ang mga suspek at sumuko.

vuukle comment

JOYBERT GARDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with