^

Bansa

PSA: October 2019 inflation sumadsad sa 0.8%

James Relativo - Philstar.com
PSA: October 2019 inflation sumadsad sa 0.8%
Ayon sa PSA, ito na ang pinakamabagal na inflation rate simula nang magtala ng 0.9% inflation rate noong Mayo 2016 — 'yan ay kahit 0.9% din ang inflation noong Setyembre.
The STAR/Andy G. Zapata Jr., File

MANILA, Philippines — Muling bumaba patunong 0.8% ang inflation rate noong nakaraang buwan, paglalahad ng Philippine Statistics Authority sa isang press briefing, Martes.

Ayon sa PSA, ito na ang pinakamabagal na inflation rate simula nang magtala ng 0.9% inflation rate noong Mayo 2016 — 'yan ay kahit 0.9% din ang inflation noong Setyembre.

Dahil diyan, kasalukuyang nasa 2.6% ang year-to-date inflation, o average inflation mula Enero hanggang Oktubre.

Pasok pa rin 'yan sa 2% hanggang 4% na target ng gobyerno para sa taong 2019 at 2020.

Sinusukat ng inflation ang tantos ng bilis ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin sa isang takdang panahon.

Nakaimpluwensya sa datos

Ayon sa gobyerno, pangunahing sanhi ng pagbaba noong nakaraang buwan ang pagbagsak sa index ng mabibigat na pagkain at 'di nakalalasing na inumin.

Sa kabila nito, tumaas naman ang taunang indices ng mga alak at tabako sa 16.5%, pati na rin sa damit at saplot sa paa na 2.8%.

Inflation sa NCR mas mataas

Samantala, mas mabilis naman ang paggalaw ng inflation sa National Capital Region sa 1.3% nitong Oktubre.

Gayunpaman, 'di hamak na mas mababa ang inflation sa mga Areas Outside the National Capital Region na bumaba pa lalo sa 0.7%.

Sa mga AONCR, pinakamataas ito sa Central Luzon sa 2.3%, habang pinakamababa naman sa Zamboanga Peninsula sa -1.3%.

Nasa 12 rehiyon sa mga lugar labas sa Metro Manila ang nagtaya ng negatibo o mas mababa pang annual rates, habang tumaas ito para sa apat.

vuukle comment

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with