^

Bansa

Lifestyle check sa PNP officials

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa gitna na rin ng mainit na kontrobersya sa ‘ninja cops’, naka­handa ang Philippine National Police (PNP) na isalang ang mga opisyal at tauhan nito sa lifestyle check.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac bilang tugon sa ideya ng Palasyo ng  Ma­lacañang na nais na isalang sa lifestyle check ang hanay ng kapulisan dahil sa mga report ng mga kahinahinalang asset ng ilang mga pulis na karaniwan lamang ang mga ranggo.

“Ang lifestyle check o ang Anti-Corruption Practices Act o An Act Establishing Code of Conduct, bawat taon ay sumasa­ilalim po ang PNP sa ga­nitong lifestyle check  at kung muli po ay nakahanda naman po ang PNP at ang Internal Affairs Service natin,”  pahayag ni Banac sa press briefing sa PNP Press Corps.

Sinabi ni Banac na tapos na ang kanilang taunang lifestyle check at kung muli itong iuutos ng Malacañang ay naka­handa naman ang PNP.

 

vuukle comment

LIFESTYLE CHECK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with