^

Bansa

Napoles 'nakakulong pa rin' kahit nasa GCTA release list

James Relativo - Philstar.com
Napoles 'nakakulong pa rin' kahit nasa GCTA release list
Kung titignan ang listahang inilabas ng Bureau of Corrections, sinasabing ika-12 ng Nobyembre pa natapos ang sintensya niya — hindi para sa pandarambong, ngunit rape.
File

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Department of Justice na nananatili sa correctional facility ang plunder convict na si Janet Lim-Napoles kahit na lumabas sa listahan ng mga presong posibleng mapalaya nang maaga gamit ang good conduct time allowance.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Paerete, tagapagsalita ng departamento, pinagpapaliwanag nila ang Bureau of Correction kung bakit kasama si Napoles sa mahigit 2,000 inmates na malapit nang makalaya.

Kung titignan ang listahang inilabas ng BuCor, sinasabing ika-12 ng Nobyembre pa natapos ang sintensya niya — hindi para sa pandarambong, ngunit rape.

Pinaniniwalang si Napoles ang utak sa bilyun-bilyong Priority Development Assistance Fund barrel scam.

Nahatulan siya kaugnay ng plunder, at patuloy pa ring humaharap sa mga reklamo kaugnay ng pork barrel scam sa Sandiganbayan.

Nagkamali lang?

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay ng GCTA law, kwinestyon din ni Sen. Richard Gordon ang "mali-maling" listahan.

Ilan sa mga preso raw kasi ay dalawang beses naisulat, habang ang iba ay mali-mali ang krimeng nakatala.

Ayon kay BuCor Documentations and Record Section chief Ramon Roque, na kasalukuyang suspendido, minadali nila ang listahan.

"'Yung list na 'yan, mabilisan pong pinagawa sa amin. Magpe-presscon po kasi," sabi niya.

Ipinatanong na rin daw ni Roque sa "computer section" ng BuCor, na nagsabi sa kanyang lumabas ng dalawang beses ang ilang pangalan.

'Nangyari sa ilalim ni Bato'

Paglalahad naman nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Carlos Zarate, nangyari raw ang diumano'y pagpapalaya kay Napoles sa ilalim ng pamumuno Sen. Ronald dela Rosa bilang BuCor director general, kung susundin ang listahan.

"Sinong pumirma ng release papers niya? Nag-abutan din ba ng pera at bakit siya pinakawalan?" tanong ni Colmenares.

Sinabi naman ni Zarate na tila may "mafia" nga talaga sa loob ng BuCor.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat daw gawin ang lahat upang panagutin ang mga kinauukulan kaugnay nito.

"Mukhang ginawang kumikitang kabuhayan ng mga opisyal ng Bucor ang 'GCTA scam' at kailangang magkaroon ng lifestyle checl ang mga opisyales ng Bucor mula 2014," panapos ni Zarate. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at News5

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

JANET LIM NAPOLES

PORK BARREL SCAM

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUNDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with