^

Bansa

‘Endo’ bill aprub na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Endo� bill aprub na sa Senado
Sa botong 15, walang kumontra at walang abs­tention, lumusot ang nasabing panukala kung saan tuluyang ipagbabawal ang “labor-only contracting” kapag na­ging ganap na batas.

MANILA, Philippines — Aprub na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Security of Tenure Bill na layong tuldukan ang endo o ang “end of contract” scheme.

Sa botong 15, walang kumontra at walang abs­tention, lumusot ang nasabing panukala kung saan tuluyang ipagbabawal ang “labor-only contracting” kapag na­ging ganap na batas.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva na panguna­hing awtor, ginagarantiyahan ng Konstitus­yon ang seguridad sa trabaho at pagbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawa.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng apat na klasipikasyon ang mga empleyado: regular, probationary, project at seasonal.

Ang mga project at seasonal workers ay magkakaroon ng kaparehong karapatan na ibinibigay sa mga regular na empleyado katulad ng bayad sa minimum wage at social protection benefits sa loob ng kanilang employment.

Sa ilalim ng endo, hindi ganap na nagiging regular na empleyado ang mga manggagawa dahil tinatanggal na ang mga ito bago pa umabot ng anim na buwan sa kompanya. 

Ang iba, nire-renew ang kontrata kada limang buwan upang maiwasa n ng mga employer ang magbigay ng buong benepisyo kapag uma­bot na nang anim na buwan ang manggagawa at naging regular. 

Umaasa si Villa­nueva na tuluyang magiging ganap na batas ang panukala bago matapos ang 17th Congress lalo pa’t sinertipikahan itong “urgent” ng Malacañang.

vuukle comment

END OF CONTRACT

END OF CONTRACTUALIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with