^

Bansa

Satisfaction rating ni Digong tumaas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Satisfaction rating ni Digong tumaas
Sa survey, lumalabas na positive 66 ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa buwan ng Marso.
Robinson Ninal /PPD

MANILA, Philippines — Welcome sa Palas­yo ang pinakahuling resulta ng SWS survey kung saan lumalabas na 79% ng mga Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa performance ni Pangulong Duterte.

Sa survey, lumalabas na positive 66 ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa buwan ng Marso.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, ang resulta ng survey na ito ay nagpapakita lamang na habang patuloy sa paninira ang mga kritiko ng Pangulo ay mas lalo lamang tumataas ang rating na nakukuha nito. 

Aniya, nagiging bingi ang mga kritiko sa boses ng mayorya ng mga Pilipino, at nagiging bulag ang mga ito sa mga pagbabagong sosyal at politikal na dulot ng Pa­ngulo, na hangad lamang ay maprotektahan ang interes ng nakararami. 

Ang payo ni Panelo sa mga kritiko, sa halip na magpatuloy sa kanilang hate campaign laban kay Pangulong Duterte, mas makabubuti na makibahagi sila sa mayora ng mga Pilipino na sumusuporta sa mga programa ng administrasyon na nakadisenyo sa paglilingkod at pagprotekta sa bayan, at sa pagpapaunlad nito.

Hindi anya magpapaapekto si Pangulong Duterte sa kahit ano mang negativity, at magpapatuloy lang ito sa pagtupad ng kaniyang mga ipinangakong adbokasiya na labanan ang iligal na droga, korupsyon, rebel­yon at krimen sa bansa.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SWS SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with