^

Bansa

‘Tulong sa transport sector, itodo na!’ - Bam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Tulong sa transport  sector, itodo na!� - Bam
Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, bibigyan ng kabuuang P5,000 ang jeepney drivers para sa huling anim na buwan ng 2018. Ito’y katumbas ng P833 kada buwan o P27.7 bawat araw.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Dismayado si Senador Bam Aquino sa kulang at atrasadong tulong ng pamahalaan sa sektor ng transportasyon, sa pagsasabing dapat pag-aralan ang Pantawid Pasada Program kung sapat ito para tugunan ang pagtaas sa presyo ng petrolyo at iba pang pangangailangan ng jeepney drivers.

Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, bibigyan ng kabuuang P5,000 ang jeepney drivers para sa huling anim na buwan ng 2018. Ito’y katumbas ng P833 kada buwan o P27.7 bawat araw.

“Kung kukuwentahin, wala pang isang litro ng diesel ang tulong na binibigay sa ating mga jeepney driver. Kulang na kulang ito sa taas ng presyo ng bilihin,” dagdag niya.

Hinikayat ng senador ang pamahalaan na tiya­king sapat ang Pantawid Pasada Program para tugunan ang pagtaas sa presyo ng langis at payagan ang jeepney drivers na gamitin ito sa iba pang pangangailangan, tulad ng pagkain.

Inulit din ng senador ang panawagan sa Department of Transportation (DOTr) na palawakin ang Pantawid Pasada sa tricycles at UV express.

vuukle comment

BAM AQUINO

PANTAWID PASADA PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with