^

Bansa

Tambay inalok ng TESDA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Tambay inalok ng TESDA
Aniya, dapat ipagbawal na sa buong bansa ang tamad, kaya makakabuti sa ating mga mamayan na walang ginagawa na matuto ng bagong mga kakayahan sa TESDA dahil libre naman ang pag-aaral dito.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Inanyayahan ni Technical Education and Skills Deve­lopment Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong ang mga tambay na magtungo sa pinakamalapit na TESDA office upang makapag-avail ng libreng skills training.

Aniya, dapat ipagbawal na sa buong bansa ang tamad, kaya makakabuti sa ating mga mamayan na walang ginagawa na matuto ng bagong mga kakayahan sa TESDA dahil libre naman ang pag-aaral dito.

Kailangan lamang umano na magtungo sa pinakamalapit na mga TESDA accredited training centers, magtanong kung ano ang mga bukas na kurso na kanilang inaalok at mag-aplay ng libreng training.

“Halina sa TESDA at magsanay para makapagtrabaho at makapagnegosyo,” paanyaya ni Mamondiong.

Ang paanyaya ng TESDA chief ay bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte kontra sa mga nagkalat na tambay na naghahasik ng kaguluhan at nag-iinuman sa lansangan.

Nauna rito, iniutos ni Duterte sa mga  pulis na arestuhin ang mga tambay na nag-iinuman sa lansangan o iyong mga tambay na gumagawa ng krimen tulad nang pandurukot, panghoholdap at pang-i-snatch.

Aniya, sa halip na magsayang ng oras at maging tambay sa mga kalye o sa bahay, mas makakabuti umano na mag-enrol na lamang sila sa TESDA para magsanay at matuto sa gustong kurso na magagamit sa paghahanapbuhay, makatulong sa pamilya at maging isang produktibong mamamayan.

vuukle comment

GUILING “GENE” A. MAMONDIONG

TAMBAY

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVE­LOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with