^

Bansa

Pinas sinasakop ng China

Rudy Andal, Malou Escudero, Gemma Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Pinas sinasakop ng China

MANILA, Philippines — Maituturing nang pananakop sa teritoryo ng Pilipinas ang ginawa ng China na paglalagay ng anti-ship cruise missiles at surface-to-air missiles sa tatlong outposts nito sa Spratlys.

Nabatid na batay sa US intelligence reports, nakapuwesto na umano ang naturang mga missile sa Zamora (Subi) Reef, Kagi­tingan (Fiery Cross) Reef, at Panganiban (Mischief) Reef.

Sa puntong ito, iginiit ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na magpasaklolo na ang bansa sa Estados Unidos para mahinto na ang kapangahasan ng China.

Una nang naglagay ang China ng military jamming equipment at monumento sa mga reclaimed na isla.

Sinabi ni Erice na kung hindi kikilos ngayon ang administrasyong Duterte ay lalong magiging malinaw sa China ang pagiging sunud-sunuran ni Pangulong Duterte sa China.

Kinalampag din ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang administrasyon sa pananahimik nito sa walang tigil na panghihimasok ng China sa bansa.

Payo ni Alejano sa Malacañang, huwag magpadala sa sweet talk at mga alok na investments at loans ng China dahil sigurado umano na pain lamang ito para kumagat ang Pilipinas sa kanilang patibong.

Sinabi naman ni Sen. Antonio Trillanes na dapat pa ring igiit ng gobyerno ang panalo ng bansa sa Arbitral Tribunal at magsagawa ng regional security summit para itaas ang international awareness tungkol sa nangyayari sa WPS.

Dapat ding hikayatin ang malayang paglalayag ng mga sasakyang pandagat ng Amerika at iba pang kakamping bansa ng Pilipinas.

Giniit ni Trillanes, na dapat ding palakasin pa ang “security alliances” ng bansa sa Amerika, Japan, Australia at ASEAN.

Dahil hindi naman kaya ng Pilipinas na makipag-giyera sa China, iginiit din ni Sen. Ralph Recto na dapat gamitin ni Pangulong Duterte bilang “leverage” ang kanyang karinyo at maayos na relasyon sa mga Chinese leaders sa pagkumbinsi na tigilan ang ginagawang militarisasyon sa WPS.

Naniniwala si Recto na maaring magsilbing “peacemaker” si Duterte sa pamamagitan ng pag­hiling sa lahat ng major powers na tumulong na mabawasan ang tensiyon sa nasabing lugar.

Bagaman nababahala ang Malacañang sa napaulat na deployment ng missile ng China sa mga contested areas sa West Philippine Sea, naniniwala naman ang Palasyo na hindi naman para sa Pilipinas gagamitin ng China ang kanilang missile.

“With our recently developed close relationship and friendship with China, we are confident that those missiles are not directed at us. Be that as it may, we would explore all diplomatic means to address this issue,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Wika niya, gagamit ng diplomasya ang Pilipinas upang maresolba ang sinasabing isyu sa deployment ng missile ng China sa contested areas sa WPS.

vuukle comment

ANTI-SHIP CRUISE MISSILES

EDGAR ERICE

PANGANIBAN (MISCHIEF) REEF

SURFACE-TO-AIR MISSILES

ZAMORA (SUBI) REEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with