Pagtanggal ng drug war budget may masamang epekto sa kampanya - Roque
MANILA, Philippines - Lubos na maaapektuhan ang kampanya laban sa ilegal na droga ng gobyerno matapos tapyasan ng Senado ang pondo nito ng higit isang bilyon, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nagbabala si Roque ngayong Huwebes sa magiging epekto ng nasa P1.4 bilyon na kabawasan sa pondo kung tuluyan itong mapatutupad.
“Well obviously, the president needs to fund his pet undertakings and the drug war... It will have of course adverse effect if he does not have the funding to implement this war on drugs,” pahayag ni Roque.
Ipinasa kahapon ng Senado ang panukalang P3.7-trilyon national budget para sa 2018 kung saan hindi nakasama ang P900 milyon ng Philippine National Police na para sana sa “Oplan Tokhang” habang nalaglag din ang P500 milyon ng Department of the Interior and Local Government na gagamitin sana sa kanilang “Masa-Masid” anti-crime program.
Sinabi ni Sen. Loren Legarda na inilaan nalang ang hindi nakasamang pondo para sa pabahay ng mga pulis at sundalo, at body cameras na gagamitin sa operasyon.
Daraan pa naman sa bicameral conference ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
- Latest