^

Bansa

Hirit na mailipat sa NBI binutata, Napoles balik Camp Bagong Diwa

Pilipino Star Ngayon
Hirit na mailipat sa NBI binutata, Napoles balik Camp Bagong Diwa

MANILA, Philippines – Hindi pinayagan ng Sandiganbayan na mailipat sa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles.

Sa hatol ng First Division ay pinaboran ng korte ang hirit ng prosekusyon na maibalik si Napoles sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig.

Inihain ito ng prosekusyon matapos maabswelto si Napoles sa kasong serious illegal detention kung saan tinukoy nila ang una nang hatol ng Sandiganbayan na makulong ang negosyante sa Taguig.

BASAHINNapoles nagpapalipat sa NBI jail

Naunang inilipat mula sa Camp Bagong Diwa si Napoles patungong Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City dahil sa hatol na reclusion perpetua ng Makati court.

Matapos maabswelto sa serious illegal detention at umugong ang planong gagawing state witness ay nagpaalam sa korte ang kampo ni Napoles na mailipat sa NBI dahil sa banta sa kaniyang buhay.

“She will face more serious threats, because who knows, there are personalities na pwede talaga madaanan (who will be implicated),” pahayag ng abogado ni Napoles na si Stephen David.

BASAHIN: Napoles abswelto sa kasong serious illegal detention

Sinabi naman ni First Division chair Geraldine Econg na nasa mandato ng Bureau of Jail Management and Penology ang pangalagaan ang mga taong naghihintay ng paglilitis at hindi ito trabaho ng NBI.

Nahaharap sa kasong plunder at graft si Napoles dahil sa pagkikipagsabwatan umano sa iba’t ibang opisyal ng gobyerno sa paglalagak ng kanilang mga Priority Development Assistance Fund sa mga pekeng non-government organizations.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with