^

Bansa

Killer ng utol ni Maritoni Fernandez, posibleng ex-bf nito - QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng mataas na opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) na maaaring kasama sa pumaslang kay Aurora Moynihan, kapatid ng aktres na si Maritoni Fer­nandez ang kanyang ex-boyfriend na nasawi rin sa engkwentro, kamakailan.

Ayon kay QCPD Director Senior Supt. Gulliermo Eleazar, base sa ballistic comparative  exa­mination ng Philippine National Police Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO) sa basyo ng baril ng napatay na drug pusher na si Leandro Antonio Kanahashi na sinasabing ex-boyfriend ni Moynihan na binaril at napatay sa Temple Drive, Brgy. Ugong Norte noong September ay nag-match. 

Sinabi ni Eleazar, ang sinuring basyo ng bala na natagpuan kung saan napatay si Moynihan noong Sept 10, 2016 ay nagtugma sa baril ni Kanahashi na nakuha sa naganap na engkwentro noong Oct. 9, 2016.

Dahil dito, dagdag ng opisyal maaaring isa si Kanahashi sa mga suspek sa pagpatay sa kapatid ng aktres batay na rin sa resulta ng naturang pagsusuri.

Magugunitang si Kanahashi kasama ang isa pang drug suspek ay nasawi makaraang manlaban sa mga operatiba sa isang buy-bust operation sa harap ng Bliss 2 Bldg. sa Mapagkumbaba St., Area 7, Brgy. Botocan QC.

Sabi pa ni Eleazar si Kanahashi ang huling tao na pinadalhan ng text message ni Moynihan bago napatay ang huli.

vuukle comment

MARITONI FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with