1 Chinese, 4 Pinoy huli sa ilegal na frozen fish

MANILA, Philippines — Isang Chinese national at apat na Pilipino ang inaresto matapos masamsam ng mga awtoridad ang 755 kahon ng frozen Pacific mackerel na nagkakahalaga ng P1.057 milyon sa isang cold storage facility sa Caloocan City.
Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement at iba pang police unit, ang operasyon sa bisa ng search warrant noong Setyembre 30 sa kahabaan ng C-4 Road, Brgy. 8, Dagat-dagatan. Nakumpiska rin ang isang Isuzu wing van truck.
Nahaharap ang lima sa reklamo kaugnay ng umano’y paglabag sa Fisheries Administrative Order No. 275, kaugnay ng Philippine Fisheries Code, na susumite sa City Prosecutor’s Office. Bigo naman ang mga pulis na maaresto ang isa pang Chinese national na target ng search warrant.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensiya sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa yamang-dagat ng bansa
- Latest






















