^

Bansa

Buntis kinatay ng ka-live-in dahil sa selos

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa matinding selos, napatay sa saksak ng 31-an­yos na lalaki ang kanyang live-in partner na anim na buwang buntis habang sugatan din ang 2-taong gulang nilang anak, kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.

Limang saksak ang ikinasawi ng 22-anyos na si Cherry­ Ann Cornelio, residente ng   BMBA Compound, Brgy. 120, ng naturang lungsod, habang nagtamo naman ng saksak sa kanang kamay ang 2-anyos na anak nilang babae.

Agad na nadakip ng mga barangay tanod sa lugar ang suspek na si Zaldy Onganion, walang trabaho at naninirahan din sa naturang lugar.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, alas-12 ng Linggo ng tanghali nang mag-away sina Cornelio at Onganion ukol sa matinding pagseselos ng huli na inakusahan ang babae na nakikipagrelasyon sa ibang lalaki.

Dulot ng galit, paulit-ulit na pinagsasaksak ng suspek si Cornelio habang nadamay din ang anak na babae na katabi ng kanyang ina. Nasaksihan naman ito ng 4-taong gulang na anak na lalaki ni Cornelio na siyang nagsumbong sa kanyang lolo na si Brgy. Ex-O Rodolfo Cornelio.

Isang habulan ang naganap hanggang sa masakote nina Cornelio at tanod na si Ronald Mesa si Onganion at ipasa ang kustodiya sa Ca­loocan City Police.

Isinugod pa sa Tondo General Hospital si Cornelio ngunit nalagutan ng hininga dakong ala-1:30 ng hapon habang dinala sa Caloocan City Medical Center ang kanyang anak na nasugatan. Hindi rin nakaligtas sa kamatayan ang sanggol na nasa sinapupunan ng biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong murder at frustrated murder ang suspek na nakaditine ngayon sa Caloocan City Police detention center.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANN CORNELIO

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN CITY POLICE

CITY POLICE

CORNELIO

EX-O RODOLFO CORNELIO

ONGANION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with