^

Bansa

5 araw na furlough hirit ni Arroyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling humiling si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ngayong Martes sa Sandiganbayan upang dumalo sa burol ng kaniyang kapatid.

Pumanaw kaninang umaga ang nakatatandang kapatid ni Arroyo na si Arturo “Art” dela Rosa Macapagal sa edad na 72.

Nais ng dating Pangulo na umalis sa Veterans Memorial Medical Center mamayang ala- 1 ng hapon upang makadalo sa misa sa alas-2 ng hapon.

Aniya, dadalhin ang labi ng kaniyang kapatid sa Heritage Park sa Taguig City, kung saan hiniling niya sa korte na mamalagi hanggang alas-10 ng gabi.

Humirit din si Arroyo na makipaglamay mula ala-1 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi mula bukas hanggang Biyernes, habang umaasa rin siya na makipaglibing sa Sabado.

Nakatakdang bisitahin dapat ng kongresista ang kaniyang kapatid ngayong hapon, ngunit binawian na si Macapagal kaniang 6:40 ng umaga dahil sa sakit na prostate cancer.

Naka-hospital arrest si Arroyo dahil sa kasong plunder.

vuukle comment

ANIYA

ARTURO

BIYERNES

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HERITAGE PARK

HUMIRIT

MACAPAGAL

PAMPANGA REP

ROSA MACAPAGAL

TAGUIG CITY

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with