^

Bansa

Utang ng bawat Pinoy, P61K

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May utang umano na hindi bababa sa P61,000 ang bawat Pinoy, ayon sa isang mambabatas.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Terry Ridon, batay sa ulat ng Bureau of Treasury, nasa P6.2 trilyon ang utang ng national government sa pagtatapos ng taon.

Kabilang dito ang mahigit P4 trilyong domestic na utang at halos P2 trilyong utang-panlabas.

Banggit ng mambabatas, nangangahulugan ito na kahit ang sanggol na isisilang pa lamang ngayong taon ay may libo-libong utang nang sasalubungin.

Resulta aniya ito ng pagsandal ng gobyerno sa pangungutang sa layuning mapondohan ang mga ambisyoso umanong proyekto.

Sa 2016 naman, plano ng gobyerno na umutang pa ng higit P1 trilyon kung saan mahigit P300 bilyong piso ang gagamitin bilang pambayad-utang.

vuukle comment

ANG

AYON

BANGGIT

BUREAU OF TREASURY

GOBYERNO

KABATAAN

KABILANG

PINOY

RESULTA

TERRY RIDON

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with