^

Bansa

Graduates ‘di oobligahing mag-suot ng toga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan kahapon ng pamunuan ng Deparment of Education (DepEd) ang lahat ng school division at school superintendent sa bansa na hindi dapat obligahin ang mga estudyante na magsuot ng toga sa kanilang graduation rites.

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, maaari namang isuot ng mga magsisipagtapos sa school year 2014-2015 ang kanilang school uniform para makati­pid ang kanilang pamilya sa gastusin.

Sinabi ni Luistro, ang mahalaga ay simple pero memorable at makahulugan ang graduation exercise sa mga pampublikong elementarya at high school sa bansa.

Anang kalihim, bagamat kapanapanabik sa bahagi ng buhay ng isang estudyante ang graduation pero dapat itong gawin sa pinakamatipid na paraan.

Naniniwala si Luistro na dapat ngayon pa lamang ay ituro at imulat na sa mga kabataan ang pagtitipid dahil na rin sa hirap ng buhay.

Itinakda ng DepEd sa Marso 26 at 27 ang araw ng gra­duation ceremonies para sa mga pampublikong paaralan na ang tema ngayong taon ay “Saktong Buhay: Sa De-kalidad na Edukasyon Pinanday”.

vuukle comment

ANANG

ARMIN LUISTRO

AYON

DEPARMENT OF EDUCATION

EDUKASYON PINANDAY

INATASAN

LUISTRO

SA DE

SAKTONG BUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with