^

Bansa

Gate 4 ng NBP pasukan ng kontrabando, sex workers - DOJ

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa Gate 4 ng New Bilibid Prison ipinapasok ang mga kontrabando at sex workers.

Ito naman ang nadiskubre ni Justice Secretary Leila de Lima matapos na magsagawa ng inspeksiyon bunsod na rin ng kontrobersiya sa magarbong pamumuhay ng mga convicts at ang panggagahasa ng isang preso sa isang 8 gulang na batang babae.

Ayon kay de Lima, paiimbestigahan din niya sa National Bureau of Investigation ang mga posibleng sangkot na jail officers na nagpapabaya sa kanilang  tungkulin.

Nakapagtataka umano na nakapasok ang isang paslit ng walang kasama na humantong sa tangkang panghahalay ng presong si Norvin Domingo, 34 sa biktima na natagpuang walang malay at may tali ang leeg  sa loob ng comfort room ng chapel ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong Huwebes ng hapon (Enero 1).

Muling isasailalim ng NBP sa medical exa­mination ang biktima matapos na lumabas sa resulta ng medico legal na sinasabing “no evidence of genital injury”, na ipinapalagay na hindi nagkaroon ng rape dito.

Sinabi ng kalihim na nakakalungkot lamang na tila hindi apektado ang mga opisyal at jail officers  sa eskanda­long kinasangkutan ng  mga mayayamang convicts.

Umapela dito sa kanyang mga tauhan na huwag ng hayaan pang  mabugbog ng kontro­bersiya ang  NBP at sa halip ay maaari namang  umalis ang mga ito ng  NBP.

Malaya naman ang sinumang umalis ng NBP kung hindi nila matanggihan ang suhol na pera kapalit ng kanilang tungkulin.

vuukle comment

JUSTICE SECRETARY LEILA

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW BILIBID PRISON

NORVIN DOMINGO

SA GATE

SECURITY COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with