^

Bansa

Mag-amang mangingisda, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang ilang araw na pagpapalutang-lutang sa karagatan, nasagip kamakalawa ang mag-amang mangingisda na napadpad dulot ng masamang lagay ng panahon sa baybaying dagat ng Brgy. Sungculan, bayan ng Batan, Aklan kamakalawa.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region VI, kinilala ang mga nasagip na sina Benedicto Cañedo, 46; at Jay Gleven Cañedo, 21, kapwa nakatira sa Barangay New Buswang sa bayan ng Kalibo.

Ang mag-ama ay pinagkaguluhan ng mga residente sa lugar nang matagpuan sa dalampasigan na nakakapit pa sa katig at kahoy na ginawa ng mga itong salbabida matapos na mawasak ang kanilang bangka.

Isinugod naman sa Alvatas District Hospital ang mag-ama na kapwa nanghihina na walang ininom na tubig at kinain sa loob ng 2-araw kung saan ay nagtamo ang mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na sa kabila ng masungit na panahon dulot ng malalakas na pag-ulan ng bagyong Seniang ay pumalaot ang mga ito noong Linggo upang may maihanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa pahayag ng mag-ama, nagdasal na lamang sila na makabalik sa kanilang pamilya matapos hambalusin ng dambuhalang alon hanggang sa mawasak ang kanilang bangka.

vuukle comment

AKLAN

ALVATAS DISTRICT HOSPITAL

BAGONG TAON

BARANGAY NEW BUSWANG

BATAN

BENEDICTO CA

BRGY

JAY GLEVEN CA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with