Trust at approval ratings ni Binay bumagsak
MANILA, Philippines - Malaki ang natapyas sa performance at trust ratings ni Bise Presidente Jejomar Binay, base sa pinakabagong .Pulse Asia survey.
Bumagsak sa 45 porsiyento ang approval ni Binag nula sa 66 porsiyento nitong Setyembre, habang malaki rin ang nawala sa trust rating niya na 44 porsiyento na lamang mula 64 porsiyento.
Samantala, gumanda naman ang kay Pangulong Benigno Aquino III na nakuha ng 59 at 56 porsiyentong approval at trust rating mula sa 55 at 54 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.
Malaki naman ang iniangat ng grado ni Senate President Franklin Drilon na tumabo ng 47 porsiyento approval rating at 34 porsiyento na trust rating, 34 at 42 porsiyentong approval at trust rating naman ang natanggap ni House Speaker Sonny Belmonte.
Hindi rin naman nagpahuli si Chief Justice Lourdes Sereno na umani ng 37 at 33 porsiyento approval at trust rating.
- Latest