^

Bansa

Binay pinahamak sa Instagram ng anak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tulad ng anak ni Janet Lim-Napoles na nag-post sa social media ng kaniyang karangyaan, mistulang ipinahamak rin ng kanyang anak si Vice Pres. Jejomar Binay dahil sa mga larawang ipinost sa kanyang Instagram account na ipinapakita ang kanilang hacienda sa Rosario, Batangas dalawang taon na ang nakakaraan.

Ginamit kahapon ni Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano ang mga larawang inilagay ni Joanna Marie Bianca Binay sa kanyang Instagram account na “Jmbilicious”

Ayon kay Cayetano, ang mga larawan ay mga ebidensiyang magpapatunay na sila ang may-ari ng kontrobersiyal na Hacienda Binay at hindi ang ne­gosyanteng si Antonio Tiu.

Sa mga larawan na may petsang June 26, 2013 sa loob ng Hacienda kasama ng bunsong anak ni Binay ang isang lalake. Ipinost naman noong Nobyembre 3, 2013 kung saan sakay sa isang Segway ang dalagita na may caption na “sumesegway …hahaha ate sa likod inggit! Hahaha”.

Inilagay rin ang litrato ng isang mamahaling sa­sakyan at isang bisikleta at isa pang hiwalay na larawan sa Terrace na magarbong mansion. Ipinagmalaki rin ni Binay ang larawan ng kanilang swimming pool noong June 25, 2012 at may caption itong “Our place in Batangas” “Jump high”.

Pinatunayan rin sa nasabing Instagram account na sa nasabing property nagdaos ng Pasko ang pamilya Binay noong 2012 base sa litratong ipinost nito noong December 25, 2012 na nilagyan niya ng caption na family dinner. Isa pang larawan mismo ni VP Binay na may caption na “It’s Karaoke time” na ipinapakita ang bise presidente na may hawak na microphone.

 

vuukle comment

ANTONIO TIU

BATANGAS

BINAY

HACIENDA BINAY

INSTAGRAM

JANET LIM-NAPOLES

JEJOMAR BINAY

JOANNA MARIE BIANCA BINAY

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with