^

Bansa

Obispo pabor na buwagin ang SK

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pabor ang isang Obispo na tuluyan nang  alisin ang Sangguniang Kabataan (SK) bilang bahagi ng Local Government Units.

Naniniwala si Bishop Martin Jumoad na walang halaga ang SK sa bawat Barangay sa Pilipinas at sa halip ay isa umano ito sa mga ugat ng katiwalian sa pamahalaan.

Ikinalulungkot ng Obispo na sa halip na mahubog sa kabutihan at mabuting lider ay maagang natututo ang mga kabataan na mangurakot at magnakaw sa kaban ng bayan.

Aniya, tinuturuan pa ang mga kabataan na maging corrupt sa pamamagitan ng  pagbibigay ng IRA subalit wala namang proyekto.

Taliwas naman ito sa paniniwala ni CBCP Episcopal Commission on Youth  executive secretary Fr. Kunegundo Garganta sa pagsasabing mahalaga ang SK upang makahubog ng mga bagong lider ng bansa.

Ayon kay Garganta, malaki ang maitutulong ng SK upang ihanda ang mga kabataan sa paglilingkod sa taongbayan at mamulat sila sa tunay na kahulugan nito.

Aminado si Garganta na nangangailangan ang SK ng reporma at muling pagsusuri upang maiwasan na maging dahilan ito ng paglala ng kurapsyon at maling paniniwala sa pagiging pulitiko.

Wala umanong paaralan na makakapaghubog sa isang bata para mabuting magpatakbo ang gobyerno at ang SK ay isang magandang pagkakataon sana para ito ay matutunan.

 

vuukle comment

AMINADO

ANIYA

AYON

BISHOP MARTIN JUMOAD

EPISCOPAL COMMISSION

GARGANTA

KUNEGUNDO GARGANTA

LOCAL GOVERNMENT UNITS

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with