^

Bansa

Governor inalisan ng police power: PNP takeover sa CamSur

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napipinto umano ang takeover ng Philippine National Police sa Camarines Norte matapos tanggalan ng deputization at police power ni DILG Sec. Mar Roxas si Governor Miguel Luis Villafuerte dahil sa breakdown umano ng peace and order sa lalawigan.

Sa ilalim ng batas, ang mga gobernador ay binibigyan ng deputisasyon na mangasiwa sa peace and order ng mga probinsyang kanilang nasasakupan.

Ito ay kasunod ng pagkakapatay sa apat na small scale miners na ang pinaghihinalaang salarin ay mga  miyembro umano ng Sagip Kalikasan Task Force (SKTF).

Nilagdaan ni Roxas ang withdrawal of deputization ng National Police Commission na naggagawad sa gobernador ng poder upang pangasiwaan ang peace and order sa probinsya.

Sa memorandum na nag-aalis sa kapangyarihan ni Villafuerte, nakasaad na  nakagawa ng lantarang aksyon ang gobernador na nakasisira sa pambansang seguridad at sa kampanya ng pamahalaan  sa panga­ngalaga ng peace and order.

Pinagbasehan umano sa desisyon ang pagpatay sa apat na minero sa Caramaoan, Camarines Sur noong Marso ng taong ito. Ang SKTF umano ay isang environment armed group na nasa pamamahala ni Villafuerte. Ang grupo ay inirereklamo umano dahil sa pang-aabuso lalu na sa mga checkpoints.

Kabilang sa mga pumirma sa resolusyong nag-aalis sa kapangyarihan ni Villafuerte sina Commissioners Eduardo Escueta, Luisito Palmera, Alejandro Urro, Constancia de Guzman at Alan La Madrid Purisima.

vuukle comment

ALAN LA MADRID PURISIMA

ALEJANDRO URRO

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

COMMISSIONERS EDUARDO ESCUETA

GOVERNOR MIGUEL LUIS VILLAFUERTE

LUISITO PALMERA

MAR ROXAS

NATIONAL POLICE COMMISSION

VILLAFUERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with