^

Bansa

Dagdag benepisyo sa mga guro, tiniyak ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na pagpapalawak ng mga allowance, benepisyo at oportunidad para sa mga guro bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng 2026 National Teachers’ Day na may temang “Teacher, Ikaw Naman” sa Smart Araneta Coliseum, sinabi ng Pangulo na patuloy na naghahanap ng mga paraan ang pamahalaan upang higit pang mapabuti ang kalagayan ng mga guro.

Dagdag niya, higit pa sa pagtuturo ng mga aralin ang ambag ng mga guro dahil tinutulungan nilang makita ng mga mag-aaral ang kanilang potensiyal at nakikibahagi sila sa paghubog ng uri ng lipunang nais itayo ng bansa.

Binanggit din ng Pa­ngulo na pinalawak ng pamahalaan ang mga oportunidad para sa career advancement sa ilalim ng Expanded Career Progression System, kung saan umabot na sa 82,105 guro at school heads ang na-promote hanggang Setyembre, kabilang ang 4,125 education personnel sa Region II.

Kabilang din aniya sa mga hakbang ng gob­yerno ang pagpapahusay sa pagbibigay ng mga allowance, insentibo at iba pang benepisyo, kabilang ang World Teachers’ Day Incentive Benefit na ipinagkakaloob tuwing Oktubre 5.

Dagdag pa ng Pa­ngulo, patuloy rin ang pagproseso ng 2024 Performance-Based Bonus upang mas mapabilis ang pagpapalabas nito para sa mga kwalipikadong guro.

MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with